Sasabihin ko na.
Masaya na ako na kahit marahan ay lumaganap at nabubuo ang wikang Filipino sa buong kapuluan ay kaibayohan.
Ang awit ay wika ng diwa, habang ang pagkain ay wika ng ating panlasa at hilig ng ating kalamnan. Itong himig at awitin na isinatinig ni Min Yasmin ay gawa at lahad ng ating mga kapatid na Tausug, Sama, at Malayo sa kanlurang bahagi ng ating kapuluan at karatig tangkay na kalupaan ng Malaysia.

Di na kelangan magpakita pa ng maraming maseselang balat sa katawan upang mapansin ang ganda ng himig. Ang wika ng diwa ay totoong tatagos sa laman, maging sa buto at pusong bato. Tiyak na makikita at maramdaman ang hatid na pawari kahit nakapikit ang mga mata.
Tayong mga mananaliksik, manunulat, at mahilig sa pagluluto ay huwag mabahala. Tuloy-tuloy lang tayo sa pag-ambag sa adhikaing maging ganap ang ating sariling wikang Filipino. Maging ako ay hindi rin po isangTagalog pero kinikilala ko ang wikang Filipino. Ako po ay isa lamang hamak ay mapagkumbabang BISDAK (Bisayang Dako). Ang wikang Filipino ay hindi Tagalog bagama't sa ngayon karamihang gamit na salita ay sa Katagalogan. Ang Filipino ay tayong lahat. Araw-araw ang kabuuan nito ay magbabago ng bilang at anyo ayon sa maiambag at makasanayan ng lahat.
Sa mga kaganapan ko sa buhay bilang mananaliksik at manunulat ay masasabi ko na di rin nasayang ang buhay ko sa mundong ibabaw nang mabuo ko ang unang limbag ng PFCDD na siyang bumibigkis sa lahat ng WIKAIN (wika + pagkain) sa ating kapuluan.
Di na ako magtatanong pa kung bakit napakasarap ng simoy kapag ikaw ay may nagawa.