Photo courtesy of Gaban Teddy of FB Group "HAPPY FARMERS Tanim dito, tanim doon" |
May nagsasabi dapat ay kinuha na lahat ng mga bunga bago mahinog para di maunahan ng mga ibon. Wag naman po lahat. Magtira din po para sa kalikasan. Share din po natin sa mga ibon at ibang nilalang ng kalikasan ang mga biyaya.
Ang mga ibon ay isa din po sa dahilan bakit sagana tayo sa pagkain. Sila ang nanghuhuli ng mga uod at peste sa taniman. Kaya pasalamatan din natin sila sa pamagitan ng pagbahagi ng ilang bunga.
Nangyari yan sa kasaysayan ng China sa kapanahonan ni Mao Zedong, dating pinuno ng Tsina, kung kelan pinag-uutos niya na pagpapatayin ang lahat ng ibong maya na kilalang kumakain sa kanilang palayan. Inubos ang mga ibon sa paligid na tinaguriang Great Sparrow Campaign noong 1958.
Matapos nilang lipulin ang lahat ng ibon ay dumating ang sakuna ng peste at inubos ang kanilang palayan. Dumami ang peste kasi wala na ang mga ibon na siyang likas na nanghuhuli at nanginain sa mga ito. Nasalanta ang lahat ng pananim. Milyon milyon ang namatay sa matinding gutom na humantong pa sa karumaldumal na kanibalismo. Sanhi ng matinding gutom ay humantong sa punto na may mga magulang na kinakain na ang kanilang mga anak. At ang mga anak ay natutunan din nilang kainin ang kanilang mga magulang. Karumaldumal. Maituturing na ito ang yugto ng napakarumaldumal na kasaysayan ng sangkatauhan sa kalupaan ng Tsina.
Yan ang mangyayari kung ganid tayo o nagdadamot magbahagi ng kunti sa kalikasan. Sabi ng bibliya pati yong wala ka ay kukunin sayo.
Huwag malimot mamahagi.
Huwag malimot magpasalamat.
Related reading: