WIKA AT PAGKAIN SA BUWAN NG WIKA
Ramdan ko ang pagyabong ng wikang Filipino sa pamagitan ng wika at pagkain.
Dito na yata magkakaisa ng tuluyan ang mga Tagalog at Bisaya sa pinagbigkis na iba't-ibang wikang pagkain. Kasama siyempre ang wika at pagkain ng ibang rehiyon at mga pangkat etniko. Dito, kung anu ang kulang ng mga wala ay mapupunan ng mga meron sa kabila.
Tulad ng resipe ng pagkaing masarap, ang pinagsama-samang sari’t-saring wika ng ating kapuluan ay katulad din ng mga sangkap, lahok, at rekados na nagmumula din sa iba't-bang lugar ng ating bansa na pinagsamasama sa kaldero at kawali at naging isang masarap na potaheng pagsalu-salohan sa hapag-kainang Pinoy.
Ang pinagsamang wikang pagkain ng buong kapuluan ay bigkis ng wikang FILIPINO. Tulad ng pagkabigkis ng mga pahina ng diksyonaryo ko, dito magsama-sama ang dati ay buklod-buklod na iba’t-ibang salita at wika ng ating bayan.
FILIPINO ang wika.
FILIPINO ang pagkain.
WIKAIN = wika + kain
No comments:
Post a Comment
I appreciate your comment. Thank you for visiting my blog.
Kindly include in your comment the name of the town or city where you are from.
Example: "I'm Oman from Cotabato City"; or "I'm Cindy Abad from Aparri, Cagayan", or simply "'I'm from Cebu";